Birthday message ni Maine kay Arjo, alamin!

Isang simpleng “happy birthday” ang mensahe sa Instagram ng phenomenal star na si Maine Mendoza para kay Arjo Atayde.

Pero naging special ito dahil kalakip ng birthday greeting ay ang sweet photo nila na bihirang-bihira makita ng netizens.

Sweet na sweet nga ang dalawa at magkahawak-kamay habang nasa gitna ng kalsada.


Si Arjo ay nagdiwang ng kanyang 29th birthday kahapon.

Matatandaang birthday din ni Maine noong Marso nang aminin nitong dating sila ng aktor.

Facebook Comments