BIRTHDAY WISH | Pangulong Duterte, nais na maging mayor ng Davao City ang apo

90

Manila, Philippines – Birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging mayor ng Davao City ang kanyang apo na si Omar Duterte.

Si Pangulong Duterte ay magdiriwang ng kanyang ika-73 kaarawan, bukas, Marso bente-otso.

Sa talumpati kagabi sa Patikul, Sulu, sinabi ng Pangulo na wala na siyang hangad na palawigin pa ang kanyang termino dahil sa masyado na siyang pagod sa kanyang trabaho.

Pero, hangad aniya na maging mayor ang kanyang apo na si Omar upang mayroong isang Muslim na alkalde ang Davao City.

Magkasama kagabi sina Omar at ang pangulo sa turn-over ng mga armas at presentasyon ng nga nagsisukong miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Si Omar ay ang panganay na anak ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa unang asawa na si Lovelie Sangkola Sumera.

Facebook Comments