BISTADO | Pamilya Parojinog, tuloy pa rin sa pagsusuplay ng shabu

207

Ozamiz City – Nagpapatuloy ang pagsu-supply ng shabu ng grupong kaalyado ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City sa Visayas at Mindanao.
Ito ang Kinumpirma ni Ozamiz City Chief of Police Police Chief Inspector Jovie Espenido kasunod ng pagkakakumpiska nila ng 14 na kilo ng shabu sa sunod-sunod na operation sa lungsod.
Sinabi pa ng opisyal na ang mga iligal na droga mula sa Ozamiz ay siyang isinu-supply sa Cebu, General Santos City at Lanao provinces at isinasakay lang umano ito sa mga barko patawid ng Cebu.
May impormasyon rin si Espenido silang nakapagmamando pa rin si Vice Mayor Nova Parojinog sa kaniyang illegal drug operation kahit ito ay nakakulong.
Una nito ay 14 na kilo ng shabu ang kanilang nakumpiska sa mga sunod-sunod na operation sa Ozamis City nitong mga nakalipas na araw.

Facebook Comments