BISTADO! | Rider na nasita sa checkpoint nahulihan ng P70,000 na halaga ng shabu

8

Quezon City – Nabisto na may dalang bawal na gamot ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo makaraang masita sa PNP checkpoint sa Barangay Culiat, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Faand Faizal at Sandiyal Adil isang taxi driver.

Ayon sa QCPD Station 3, walang suot na helmet ang mga suspek kaya at hinarang nila ito.

Kinapkapan ang dalawang rider at nakita sa kanilang pag-iingat ang 6 na pakete ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P70,000.

Sa presinto napag-alamanan na pasok sa drug watchlist ang 19-anyos na si Faizal.

Kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs ang isasampang kaso sa mga arestadong suspek.

Facebook Comments