Biyahe ng mga eroplano mula Clark papuntang Davao City, ban na!

Ban na ang lahat ng biyahe mula Clark International Airport sa Pampanga patungong Davao City.

Sa nilagdaang Executive Order No. 9 ni Mayor Sara Duterte ngayong araw, hindi na maaaring pumasok sa lungsod ang mga biyahe ng eroplano mula sa nasabing paliparan.

Ito ay bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19.


Nabatid na karamihan sa mga bumabiyahe sa Clark ay galing metro manila na hindi nakabiyahe dahil sa community quarantine.

Facebook Comments