Biyahe ng Pasig River Ferry, pansamantalang sinuspiunde dahil sa malakas na buhos ng ulan

Manila, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong hapon.

Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority – ito ay dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan sa maraming lugar sa Metro Manila.

Nakararanas kasi ng zero visibility sa maraming bahagi ng Metro Manila dahil sa malakas na buhos ng ulan.


Sa abiso ng PAGASA, nakararanas ng thunderstorm ang Metro Manila at ilang bahagi ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas at Quezon.
DZXL558

Facebook Comments