BIYAHENG DAGUPAN-BAGUIO, UMARANGKADA; ‘NO VAX, NO RIDE POLICY’, IPATUTUPAD

Balik operasyon na muli ang ilang pampasaherong bus kasabay ng pag arangkada na muli ng biyaheng Dagupan City-Baguio City sa lalawigan ng Pangasinan matapos ang halos dalawang taong tigil-biyahe ng mga ito.

Magsisimula naman ang pagbiyahe mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Mahigpit na ipatutupad dito na kailangan parin na bakunado ang mga indibidwal at pasahero na sasakay at ba-biyahe dahil sa panukalang ‘no vaccine, no ride’ policy ng pamahalaan.

Kinakailangan din na magparehistro sa visita app para sa mga pasaherong nais bumiyahe patungong Baguio City.

Naging posible naman ang naturang biyahe dahil sa isinagawang partnership ng isang bus company at travel agency dito. | ifmnews

Facebook Comments