BJMP Cauayan, Nakiisa sa Selebrasyon ng NACOCO 2019!

37

Cauayan City, Isabela- Naging matagumpay ang unang araw ng pagdiriwang ng Cauayan City District Jail bilang bahagi ng National Correctional Consciousness Week ngayong taon.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay J/Insp. Gilbert Accad, Jail Warden ng BJMP Cauayan na sa pamamagitan nito ay higit na mailalapit ang ilang mga tulong medikal at legal para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL’s).


Ayon pa kay J/Insp. Accad, nagsagawa na rin ng infodrive kaugnay sa Parole and Probation Office para sa kaalaman ng mga PDL.

Kaugnay nito, magtatagisan din sa pagrampa ang ilang mga kalahok sa isasagawang Search for Mr. & Ms. NACOCOW 2019.

Hinihikayat naman ng pamunuan ng Cauayan District Jail ang lahat ng may mga kaanak na nakapiit sa nasabing bilangguan na dumalo sa kanilang aktibidad na dati ay ipinagbabawal ng tanggapan.

Facebook Comments

From Advertisers