BJMP Cauayan, Nakuha ang 2 Awards sa Buong Rehiyon Dos

61

Cauayan City, Isabela- Pinarangalan bilang Top 1 Best TC Implementer at Top 3 Best Performing District Jail ang Cauayan City District Jail sa buong Lambak ng Cagayan.

Ito ay iginawad sa ginanap na Regional Management Conference ng BJMP sa huling quarter ng 2020 sa pangunguna ni J/SSUPT Ma. Annie A. Espinosa, Regional Director ng Jail Bureau.


Buong puso namang tinanggap ni J/CINSP Gilbert B. Accad, TLPE, District Jail Warden ang dalawang nasungkit na parangal.

Ikinatuwa at nagpapasalamat naman si J/CINSP Accad sa mga kasama dahil sa malaking nakuhang parangal mula sa BJMP Regional Office 02.

Facebook Comments