BJMP Chief Barretto, inatasan ang lahat ng kanyang mga Regional Directors sa Mindanao Area na maging bigilante at tiyakin ang kaligtasan ng mga inmates at jail personnel

51

Mindanao – Inatasan na ni BJMP Chief Jail Director Serafin Barretto ang lahat ng kanyang mga Regional Directors sa Mindanao Area na panatilihing bigilante at tiyakin na ligtas ang lahat ng mga inmates at jail personnel sa ilalim na kanilang pangangalaga.

Ang pahayag ay ginawa ni Director Barretto matapos sumuko kahapon sa BJMP si Mohaderin Acampong may kasong murder at kabilang sa 107 inmates na pinatakas ng Maute group.

Sabi ni Barretto, 13 inmates mula sa 107 preso na pinatakas ng Maute group na ang naibalik sa kani-kanilang kulungan.

Giit ng opisyal mababawasan ang sentensya ng isang preso na sumuko sa pamamagitan ng pagbibigay ng BJMP ng Good Conduct Time Allowance o iba pang insentibo na inaatas ng batas.

Facebook Comments