BJMP, mayroon ng bagong acting chief

Pormal nang umupo ngayon sa pwesto si Jail Chief Superintendent Ruel Silva Rivera, bilang bagong acting Chief ng Bureau of Jail Management o BJMP.

Papalitan ni Rivera si outgoing Chief Jail Director Allan Iral, na nakatakdang magretiro sa Hunyo.

Kahapon, pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr., ang Turnover of Command Ceremony sa bagong pamunuan ng BJMP na ginanap sa Philippine National Police (PNP) National Headquarters Building sa Camp Crame, Quezon City.


Sa kanyang mensahe, inihayag ni SILG Abalos ang buong suporta nito sa bagong BJMP acting chief.

Hinikayat din ng kalihim ang bagong hepe na ipagpatuloy ang pagpapaigting sa rehabilitation programs ng Jail Bureau lalo sa Persons Deprived of Liberty o PDLs na may kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Si Rivera, ay bahagi ng PATNUBAY Class of 1995 sa Philippine National Police Academy (PNPA) na nagsilbing Regional Director ng BJMP-MIMAROPA mula 2013 hanggang 2014 hanggang maging bahagi ng Command Group noong 2017.

Facebook Comments