BJMP, tiniyak na walang puwang ang suhulan sa pagkuha ng mga bagong jail officers

30

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na
walang puwang ang suhulan at palakasan sa recruitment ng mga bagong jail officer sa BJMP.

Ginawa ni BJMP Chief Jail Director Allan Iral ang pahayag matapos ianunsyo ang muling pagbubukas ng recruitment activities sa posisyon ng Jail Officer 1 na nahinto dahil sa pandemya.


Nagsasagawa na ng online interviews sa pamamagitan ng zoom ang National Human Resource Merit Promotion and Selection Board para sa interesadong aplikante.

Sabi ni Iral, ibabatay sa kakayahan at mga nakamit na karangalan ang pagkuha ng mga bagong jail officer.

Nagbabala naman si Iral sa mga sumasala sa mga aplikante na gawing madali ang proseso ng recruitment.

Wala rin aniyang obligasyon ang mga aplikante na magbigay ng kung anu-ano para lamang makapasok sa BJMP.

Nangangailangan ang BJMP ng 2,000 na bagong Jail Officer 1 para mangasiwa sa lahat ng
district, city at municipal jails sa buong bansa.




Facebook Comments