BJMP, walang naitalang pinsala sa ilang jail facilities sa pananalasa ng Bagyong Rolly

46

Walang naitalang pinsala sa jail facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang naging paghagupit ng Bagyong Rolly.

Ayon kay BJMP Spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda, batay sa natatanggap nilang report, nanatiling normal ang sitwasyon sa jail facilities sa Luzon.


Aniya, walang naitalang hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang mga pasilidad dahil maagap silang nakapagpatupad ng preemptive evacuation.

Partikular na tinukoy ni Solda ang maayos na paglilikas ng mga bilanggo sa San Mateo Municipal Jail.

Sa ngayon ay nag-aantay pa ang BJMP ng report ng sitwasyon sa jail facilities sa Region 5.

Facebook Comments