Black Eye Peas, magtatanghal sa SEA Games Closing Ceremony

53

Magtatanghal sa Closing Ceremony ng 30th Southeast Asian Games ang rap band na Black Eyed Peas.

Sampung kanta ang inaasahang ipe-perform ng grupo sa pangunguna ng Pilipinong miyembro nitong si Apl.De.Ap, kasama mga kapwa miyembro si Will.I.Am (William Adams) at Taboo (Jaime Gomez).


Ayon kay Apl.De.Ap o Allan Pineda Lindo sa totoong buhay, ipe-perform nila ang mga sikat nilang hits at ilang tagalog parts sa kanilang album.

Aniya, isang pagdiriwang para sa mga atleta ang mangyayari na ibinigay ang lahat para sa ikakatagumpay ng SEA Games.

Sinabi naman ni Will.I.Am, hindi nila malilimutan ang magiging pagtatanghal nila sa bansa dahil dito lumaki si Apl.De.Ap.

Si Taboo naman ay naging malapit ang puso sa Pilipinas matapos mapangasawa ang isang Filipina.

Facebook Comments

From Advertisers