BLACKLISTED | South Korean swindler, nakatakdang ipa-deport ng BI

20

Manila, Philippines – Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean swindler

Ayon sa Bureau of Immigration, mahigit kalahating milyong dolyar ang natangay ng 52-anyos na Koryanong si Choi Youngseop sa mga naging biktima nito sa kanilang bansa.

Pansamantalang nakakulong ngayon si Choi sa Immigration Detention Center sa Taguig City matapos maaresto sa Pasay City.

Ideneklara na rin ang naturang Koryano na undesirable alien dahil sa pagiging overstaying nito sa bansa.

Inilagay na rin sa blacklist si Choi at hindi na siya papayagang makabalik pa ng Pilipinas.

Facebook Comments