BLACKMAIL | Lalaki, arestado ng NBI matapos mangikil sa girlfriend nitong OFW

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos mangikil sa kaniyang girlfriend na Overseas Filipino Worker (OFW) kapalit ng hindi nito pagpapakalat ng mga maseselang litrato ng biktima.

Sa ulat, ikinasa ang entrapment operation sa isang restoran sa Maynila kung saan inabangan ng tauhan ng NBI ang suspek na si Dexter Caminos na makipagkita sa biktimang si alyas “Ria”.

Pagkabigay ng P50,000 ng biktima, agad na inaresto ng NBI Cybercrime Division si Caminos.


Inamin naman ni Caminos na nag-aaway sila dahil sa selos saka iginiit na tumatanggap daw talaga siya ng allowance mula kay Ria, pero hindi raw siya nam-blackmail.

Desidido naman kasuhan ng biktima ang suspek lalo na at aabot sa P40,000 ang naibigay nito dahil sa paulit-ulit na pagbabanta.

Facebook Comments