BLESSING | Miriam Quiambao at mister nito, excited sa kanilang magiging anak

60

Manila, Philippines – Itinuturing ngayon ng dating Beauty Queen na si Miriam Quiambao at mister nitong si Ardy Roberto na isang malaking blessings na magkakaroon na sila ng anak.

Excited na ang mag-asawa lalo na at halos apat na taon rin kasi nilang hinintay ang ganitong pagkakataon.

Nabatid kasi na sa edad na 43-anyos, nakatakdang magsilang ng baby boy si Miriam sa buwan ng March 2019.

Ayon kay Miriam, posible siyang manganak sa ikalawa o ikatlong linggo ng March ngunit pag-uusapan pa nila ng kanyang doktor ang eksaktong petsa.

Sinasabing hindi naging madali ang pagbubuntis ni Miriam kaya inabisuhan siyang mag-bed rest para sa kapakanan ng baby.

Facebook Comments