Block time radio anchor sa Sagay, Negros Occidental – iniimbestiga sa pagkamatay ng kanyang asawa

131

Bacolod, Philippines – Nakatakdang isailalim sa paraffin test ang itinuturong suspek na isang block time radio anchor sa nangyaring shooting incident kung saan dead on arrival sa ospital ang biktima na mismong asawa nito.

Ayon kay Sagay City PNP OIC Chief Police C/Insp. Eduardo Corpuz na base sa resulta ng kanilang initial investigation, gustong palabasin ng suspek na si Mhodee Andalina, 33 years old na aksidente ang nangyaring pagkabaril at pagkamatay ng kanyang asawang si Virginia Andalina, 33 years old.

Naganap ang insidente pasado las onse kagabi habang sakay ang mga ito sa isang tricycle na pagmamay-ari ni Mhodee sa HDA. Martinez, brgy. Poblacion 2, Sagay City.

Sinabi ni Corpuz na ala una na ng madaling araw kanina nang ini-report sa pulis ni Mhodee ang pangyayari.

Una nitong sinabi na nakarinig sila ng putok at maya-maya nakita na lamang nito na nakahandusay na ang kanyang asawa.

Sa imbestigasyon ng pulis, nakita nila ang nakabukas na bag ni Andalina at may lamang magnum 22 na nag-match sa empty shell na na-recover sa crime scene.
Nation”

Facebook Comments