BLOOD DONATION DRIVE SA BAYAN NG BANI, ISASAGAWA SA ARAW NG VALENTINE’S DAY

Isa sa mga aktibidad ng LGU Banisa araw ng mga puso ang pagkakaroon ng isasagawang blood donation drive.
Ang LGU ay nakipagtulungan sa mga tanggapan ng Municipal Health Office, DepEd Pangasinan Schools Division I, Region I Medical Center at Philippine Red Cross Western Pangasinan Chapter kung saan gaganapin ito sa Dacap Norte National High School sa darating na February 14, at sa February 16 naman ay gaganapin ang parehong aktibidad sa Bani West Central School.
Ang aktibidad na ito ay may layunin makapag-ipon pa ng mas maraming suplay ng dugo para sa mga pasyenteng mangangailangan ng dugo.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga makakaalam at sa mga taong nais makapagbahagi ng kanilang dugo upang mas marami pang buhay ng tao ang maligtas kung sakaling mangailangan ng dugo ang pasyente. |ifmnews
Facebook Comments