Blood letting project ng RMN Foundation sa Sta. Rosa, Laguna, naging matagumpay

Naging matagumpay ang idinaos ng RMN Foundation na blood letting project ngayong araw sa isang mall sa Sta. Rosa, Laguna.

Bukod sa mahigit 200 trainees ng AAA Advance, ilan ding mga tagasubaybay ng RMN News ang nag-donate ng dugo.

Labis naman ang pasasalamat ni Maverick Flores, medical technologist ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa naturang proyekto ng RMN Foundation.

Tiniyak naman ni Myrna Tabirao, pangulo ng Inner Wheels Club of Las Piñas ang patuloy nilang suporta sa mga adhikain ng RMN Foundation.

Hinimok naman ni Rizal Medical Center Medical Technologist Leander Mogol ang publiko na patuloy na mag-donate ng dugo para makadugtong sa maraming buhay

Kabilang sa naging bahagi ng blood letting activity ang AAA Advance Training Center, Rizal Medical Center, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Inner Wheel Club of Las Piñas.

Facebook Comments