
Bayalonte para sa Malacañang ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na gusto niyang matuloy ang impeachment trial dahil nais niyang magkaroon ng bloodbath o dumanak ang dugo.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, umaasa siyang figure of speech lamang ito at hindi dapat tinatanggap na literal.
Kung ito aniya talaga ang nais ng Bise Presidente ay hintayin na lamang ang pag-usad ng impeachment process sa Senado.
Muli namang iginiit ni Castro, na hindi makikialam si Pangulong Bongbong Marcos sa usapin lalo na kapag nagsimula na ang impeachment trial.
Matatandaang nagbilin din si Pangulong Marcos sa kaniyang mga gabinete pagkatapos ng eleksyon na huwag makialam sa impeachment at sa halip tutukan ang trabaho at isulong ang mga programa ng gobyerno para sa kapakanan ng mga Pilipino.