Bloodletting activity ng DZXL 558 Radyo Trabaho, RMN Foundation, RMN Networks at Philippine Red Cross, aarangkada na ngayong araw

88

Aarangkada ngayong araw ang bloodletting activity ng DZXL 558 Radyo Trabaho, RMN Foundation, RMN Networks katuwang ang Philippine Red Cross, RMN-Marketing Media Ventures, 93.9 iFM Manila at DWWW 774 Your Ultimate Newsic Radio.

Ang blood donation activity ay may temang “Voluntary Blood Donation to Save A Nation” bilang pakikiisa sa selebrasyon ng international volunteer’s day at tulungan ang mga kababayan natin nangangailangan ng dugo.

Bukas lamang ito para sa mga empleyado ng DZXL 558 Radyo Trabaho, iFM Manila at DWWW at sabay na isasagawa sa RMN Head Office para sa mga empleyado ng RMN Networks, RMN-MMV at RMN Foundation.


Isasagawa ito alinsunod sa itinakdang health protocols sa mga blood donor.

Facebook Comments