Blue economy, iminungkahi ng isang maritime expert para matugunan ang mga isyu sa West Philippine Sea

Naniniwala ang isang maritime expert na malaki ang magiging papel ng ‘blue economy’ para maprotektahan ang West Philippine Sea.

Ang blue economy ay patakaran para mapanatili ang ekonomiya sa karagatan.

Ayon sa maritime expert at UP Professor na si Jay Batongbacal, sa pamamagitan ng ‘blue economy’ ay mas mabibigyan ng proteksiyon ang teritoryo ng bansa at magagamit ng maayos ang mga yaman ng karagatan.

Aniya, ang inisyatibang ito ang magbibigay balanse sa ginagawang pagtataguyod sa karagatan na kaparehas sa ibinibigay na pansin sa lupain ng bansa.

Kung kaya nagbukas sila ng programang Archipelagic and Oceanic Virtual University (AOVU), na nakatutok sa pagbabago ng paraan ng bansa sa papamahala sa mga yamang-dagat nito partikular na sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas, Pacific Seaboard, at Sulu-Celebes Sea sa sandaling maipasa ang ‘Blue economy act.’

Umaasa si Batongbacal na sa kabila ng pagbabawas ng pondo sa edukasyon sa Government Appropriations Act ay matutuloy pa rin ang naturang inisyatiba.

Sa bahagi ng Senado, mayroon silang sariling educational initiative, ang Center for West Philippine Sea Studies.

Pero ito ay nakabinbin pa za Congress kasama ang National West Philippine Sea Day.

Facebook Comments