Board of canvasser, nag-recess muna sa canvassing ng boto sa Taguig City

Pansamantalang nag-recess muna sa canvassing ng boto sa Taguig City Convention Center kung saan umabot na sa 96.90% ang natanggap na mga boto.

Nasa 3% naman ang kulang para may maiproklamang mananalo.

Nasa 749 na presinto ang nabibilang na ang mga boto habang nasa 24 pa ang hindi nabibilang.

Sa kabuuan, nasa 773 ang inaasahang presinto.

Sa datos ng lokal na pamahalaan ng lungsod, nasa mahigit 520,000 na residente ang bilang ng mga bumoto ngayong midterm election.

Habang nasa 159,749 ang hindi bumoto, sa kabuuhan nasa 680,554 ang total voters sa naturang lungsod.

Samantala, batay pa rin sa partial and unofficial votes, mayroon nang 399,665 na boto si incumbent mayor Lani Cayetano laban kay Arnel Cerafica na may 102,096 votes.

Mamayang alas-11:00 ng umaga naman magbabalik ang naturang canvassing.

Facebook Comments