BOC Commissioner Isidro Lapeña, iginiit na mayroong kakayahan ang kanyang mga bitbit na PDEA personnel

328

Manila, Philippines – Iginiit ni BOC Commissioner Isidro Lapeña na mayroon kakayahan ang lahat ng kanyang dinala mula sa PDEA taliwas sa pahayag ng mga kasapi ni Bureau of Customs Employees Association na walang karanasan ang mga bitbit ni Lapeña sa BOC.

Paliwanag ni Lapeña, may sapat na kakayahan ang mga taga-PDEA na dinala niya sa BOC at maayos silang nagtatrabaho.

Iginagalang naman ni Lapeña ang planong kilos protesta ng mga kawani ng BOC.

Handa naman silang kausapin ni Lapeña para maresolba ang isyu.

Facebook Comments