BOC, nakipag-ugnayan sa American Chamber of Commerce at Embahada ng Amerika hinggil sa lumabas na ulat ng U.S. State Department

Sa harap ng ulat ng U.S. State Department hinggil sa umano’y katiwalian at korapsyon na hadlang sa pamumuhunan sa bansa, agad na kumilos ang Bureau of Customs (BOC).

Nabatid na nakipag-ugnayan na si Commissioner Ariel Nepomuceno sa American Chamber of Commerce at U.S. Embassy sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang talakayin ang naturang ulat.

Giit ni Nepomuceno, bago pa man lumabas ang report, nagsimula na ang BOC sa malawakang reporma laban sa korapsyon.

Kabilang dito ang “No-Take Policy,” pagbabawal sa conflict of interest, at paggamit ng makabagong teknolohiya para sa transparency.

Dagdag pa ni Nepomuceno, layunin ng ahensya na patatagin ang tiwala ng mga mamumuhunan at suportahan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na linisin, ayusin, at pagandahin pa ang serbisyo publiko.

Facebook Comments