BODY SHAMING | DJ Nicole Hyala, nilait ng netizen

581

Manila, Philippines – Nakatikim ng body-shaming ang radio DJ na si Nicole Hyala pagkatapos niyang i-post sa instagram ang ilang larawan ng kanyang baby bump.

Maraming netizens ang pumuri sa pagiging natural at pagiging proud mom ni DJ Nicole, pero isang netizen ang lumait sa katawan ni Nicole at pinuntirya nito ang kanyang nakaumbok na pusod.

Noong October 10, ni-repost ni DJ Nicole ang naturang komento ng basher kalakip ang mahaba niyang pahayag tungkol sa “body and face shaming.”

Facebook Comments