BOGUS | PCSO, nababala kontra sa mga naglipanang online scam gamit ang pangalan at logo ng ahensya

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko laban sa mga online scams na ginagamit ang pangalan at logo ng ahensya.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, nakatanggap sila ng ulat kung saan gumagawa ng pekeng online accounts sa social media para linlangin ang mga tao gamit ang lottery products ng ahensya.

Inihalimbawa ni Balutan ang isang account sa social media kung saan makikita ang logo ng PCSO at namamahagi ng house and lot.


Hindi pa tukoy ng PCSO ang may-ari ng nasabing bogus na account.

Facebook Comments