BOL PLEBISCITE | PNP, handa nang makipagpulong sa COMELEC

34

Wala pang koordinasyon ang Commission on Election sa Philippine National Police kaugnay sa paghahanda para nakatakdang Bangsamoro Organic law Plebiscite.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Police Senior Supt Benigno Durana matapos na itakda na ng COMELEC ang plebisito sa January 21, 2019.

Aniya maghihintay sila ng pagpupulong na ipapatawag ng COMELEC at nakahanda aniya ang PNP para rito.

Sa pagpupulong aniya mapaguusapan ang mga ilalatag na seguridad upang matiyak na magiging payapa ang plebsito.

Buwan ng July nang maisabatas ang Bangsamoro Organic Law na pumalit sa Automous Region in Muslim Mindanao o ARMM.

Facebook Comments