BOLA KAYSA DROGA | Paglalaro ng basketball, solusyon sa problema sa iligal na droga – Secretary Bong Go

21

Naniniwala si Special Assistant to the President Secretary Bong Go na basketball ang isa sa mga mabisang paraan para makaiwas ang kabataan sa iligal na droga.

Hinimok kasi Secretary Go ang mga kabataan ng Las Pinas City na iwasan ang iligal na droga para magkaroon ng mas maayos at malusog na pamumuhay.

Inilunsad kasi ni Go ang 3 Pointer ng bayan na bahagi ng Ready Set Go Movement Advocacy.

Sa pagsasalita ni Go, sa kabataan ay hinikayat niya ang mga ito na makiisa sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang iligal na droga, katiwalian, at krimen na sumisira sa maraming buhay lalo na ng mga kabataan.

Nasa mga kabataan mula sa 20 barangay ng Las Pinas ang nakilahok sa 3-pointer ng bayan na dinaluhan din ng iba pang gabinete ng Pangulo partikular sina Communications Secretary Martin Andanar at Public Works and Highways Secretary Mar Villar.

Facebook Comments