Muling naglabas ng abiso ang Bolinao Tourism Office noong July 13 kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng Bolinao Falls at pagbabawal sa mga water activities sa mga dalampasigan dahil sa masamang lagay ng panahon.
Batay sa abiso, pansamantalang isinara ang Bolinao Falls dahil sa malakas na agos ng tubig na mapanganib sa mga bumibisita.
Pansamantala ring ipinagbawal ang paglangoy at iba pang water activities sa Bolinao Beach bunsod ng umiiral na masamang panahon.
Noong July 12, naglabas na rin ng kaparehong abiso ang Bolinao Tourism Office matapos lumala ang kondisyon ng panahon sa lugar.
Pinayuhan naman ng Bolinao Tourism Office ang publiko, lalo na ang mga turistang may planong bumisita sa bayan, na tumutok sa opisyal na anunsyo ng lokal na awtoridad para sa kanilang kaligtasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










