BOLINAO, NAGHAHANDA NA SA PAGDAGSA NG MGA TURISTA SA SEMANA SANTA

Pinaghahandaan na ng bayan ng Bolinao ang posibleng dagsa ng mga turista sa mga kilalang pasyalan at mga simbahan sa darating na Semana Santa.

Sa isinagawang Oplan Semana Santa Coordination Meeting kasama ang iba’t ibang ahensya, tinalakay ang mga hakbang sa kaligtasan at seguridad sa mga sikat na simbahan at pilgrimage sites sa bayan.

Nagkaroon na rin ng koordinasyon ang LGU sa mga accredited establishments sa lugar upang matiyak na masusunod ang safety standards para sa mga turista. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments