Bollards sa Mactan Cebu International Airport, ininspeksyon ni DOTr Sec. Dizon

Ininspeksyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang Mactan Cebu International Airport (MCIA) para matiyak na nakakasunod ito sa international safety standards .

Kabilang sa inikot ni Dizon ang arrival at departure area, e-gates at Immigration area ng paliparan.

Sinuri rin ng kalihim ang bollards sa nasabing airport gayundin ang traffic at passenger drop-off flow.

Kasunod na rin ito ng nangyaring trahedya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 1 departure noong nakalipas na linggo kung saan isang SUV ang biglang umarangkada at nanagasa ng ilang indibidwal.

Isinisisi rin ang malaking pinsalansa mababaw na pundasyon ng bollars sa paliparan.

Facebook Comments