Bomb maker/ Trainer patay sa operasyon sa DOS Maguindanao

Patay ang isang elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng Karialan Faction sa isinagawang operasyon pinagsanib na pwersa ng mga otoridad alas 7:15 kagabi sa Brgy. Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Kinilala ni 6th ID Spokesperson Army Captain Arvin Encinas ang nasawi na si Ibrahim Ali sa panayam ng RMN COTABATO ngayong umaga.

Nanlaban aniya si Ibrahim resulta ng kanyang kamatayan ng lusubin sa kanyang tinutuluyan ng pinagsanib na pwersa ng 19th IB,603rd Brigade Philippine Army, DOS PNP at Criminal Investigation and Detection Group ARMM.


Ikinasa ang operasyon sa likod ng isang Hotel sa Crossing Awang.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre.45 na pistola at mga bala.

Number 2 sa inilabas na listahan ng Department of National Defense alinsunod sa diniklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

Ilang araw ring minatyagan si Ibrahim bago tuluyang tinungo ng mga otoridad.

Sinasabing responsable sa pagpapasabog sa bahagi ng Shariff Saidona Mustapha si Ibrahim noong nakaraang taon.

Ito na ang ikalawang insidente ng may napapatay ng BIFF Official di lamang kalayuan sa 6th ID Headquarters.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments