BOMB THREAT SA TAYUG, HINDI TOTOO

22

TAYUG, PANGASINAN – Pinabulaanan ng PNP Tayug na bomb scare lamang ang kumalat na text message at post social media ukol sa tangkang pagpapasabog sa ilang establisyimento sa bayan.

Nakasaad sa text message na may apat umanong lalaking na may dalang box at bag na may lamang bomba at ito ay ilalagay sa baggage counter ng isang grocery store, palengke, remittance center at sa isang parking area.

Nang matanggap ang report, agad na inalerto agad ng Pangasinan Police Provincial Office ang kapulisan sa bayan ng tayug ngunit sa ginawang beripikasyon ng pulisya ito ay negatibo.

Ayon sa mga residente wala umano silang napansin na kahina-hinalang tao sa kanilang lugar noong araw na iyon. Siniguro naman ng pnp na paiigtingin nila ang kanilang pagbabantay upang mapanatili ang katahimikan sa bayan.

Sa ngayon, inaalam ng pulisya kung sino ang nagpakalat ng text messages sa kanilang isinasagawang imbestigasyon. | ifmnews

Facebook Comments