BOMB THREAT | Tangos Elementary School sa Navotas, nabulabog

Navotas City – Binulabog ng bomb threat kaninang umaga ang Tangos Elementary School sa Navotas City.

Alas sais kaninang umaga nang makatanggap ng tawag ang staff ng eskwelahan mula sa hindi kilalang tao.

Agad namang inilikas ang mga estudyante at kinansela ang pang-umagang pasok.


Alas 9:00 na nang matapos ang pag-iinspeksyon ng mga pulis at bomb squad kung saan idineklarang negatibo sa bomba ang paaralan.

Kasunod nito, nagbabala ang otoridad na posibleng maharap sa hanggang limang taong pagkakakulong at multang p40,000 ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng bomb threat.

Facebook Comments