Bomba sumabog sa Mamasapano, Maguindanao; 3 pulis, sugatan

42

Maguindanao, Philippines – Sugatan ang tatlong pulis sa pagsabog ng bomba sa Mamasapano, Maguindanao.

Naisugod na sa Maguindanao Provincial Hospital ang mga biktima na sina PO3 Harim Ampatuan, PO3 Ali Malok at PO1 Norodin Olympain, kapwa nakatalaga sa Rajah Buayan Municipal Police Station.

Sa report na nakalap ng PNP-National Headquarters sakay ng Mahindra patrol jeep ang mga pulis nang masabugan sila ng bombang itinanim sa bahagi ng sitio Paso sa barangay Manongkaling.

Samantala alas 7:35 kaninang umaga nang sumabog rin ang isang Improvised Explosive Device sa barangay Bagong Upam, Shariff Aguak sa Maguindanao.

Kasunod ito ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng 57th Infantry Batallion ng Philippine Army sa ‘di mabilang na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF.

Wala namang naitalang casualty sa panig ng militar.

DZXL558

Facebook Comments