Bong Go, may depensa sa mga bumabatikos kay Pangulong Duterte

224

Manila, Philippines – Umapela si Special Assistant to the President Christopher Bong Go sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong na lamang sa halip na manira.

Sa pambihirang pagkakataon, nagsalita ang opisyal sa harap na rin ng walang tigil na pagpuna at birada sa mga ginagawa ng pangulo.

Ayon kay Go – hindi talaga mawawala ang mga nais manira sa pangulo at tila gusto na nilang tapusin ang kaniyang termino.


Biniyang diin ni Go na bigyan ng pagkakataon ang pangulo na makapagsilbi sa bayan.

Sa kabila nito, nagpasalamat pa rin si Go sa mga masugid na taga suporta ng pangulo at tiniyak na pagsusumikapan ng pangulo na maglingkod sa sambayanang pilipino.

Facebook Comments