Bong Revilla, balik ‘Magic 12’ matapos maungusan ni Bam Aquino

913
Courtesy of Facebook/Ramon Bong Revilla, Jr.

Sa unang inilabas na partial, official vote tally ng COMELEC, 9 PM ng Martes, umakyat sa ika-12, mula sa 14th spot si Bam Aquino–ang natatanging Otso Diretso candidate na nakapasok sa “Magic 12.”

Kasabay nito, nalaglag naman sa 14th spot ang unang nakaposisyon sa 12th spot na si Bong Revilla.


Samantala, sa kasalukuyang partial, unofficial results mula sa COMELEC Transparency server, muling natanggal sa top 12 at bumalik sa 14th spot si Aquino, at umakyat naman sa 10th spot si Revilla.

Facebook Comments