Bong Revilla, nagpasalamat sa mga taga-suporta at tiniyak na ang posisyon sa Senado

Image via Facebook/Bong Revilla

Nagpasalamat si Bong Revilla sa lahat ng sumuporta at bumoto sa kaniya ngayong Eleksyon 2019 sa isang post sa kaniyang website nitong Biyernes.

Sa kaniyang pahayag, pinarating niya na sa nalalabing dalawang porsyento na natitira ay makakasama siya sa ‘Magic 12’ na uupo sa pagkasenador.

‘Kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa ating mga kababayan na lumabas at bumoto, at ipinakita na malusog at buhay ang demokrasya sa ating bansa,” ayon kay Revilla.


Tiniyak niya ring ang mga resulta ng mga lugar na hindi pa nabibilang ay lalo pang magpapatibay pa sa kaniyang pagkakapuwesto.

“Higit ang aking pasasalamat sa mga sumama, nagkampanya, sumuporta at muling nagtiwala sa akin. Kayo ang aking inspirasyon upang higit na magpursige na tugunan ang mga pangangailangan ng atin bayan at hinaing ng ating mga kababayan,” dagdag niya.

Facebook Comments