Bongbong Marcos, pormal nang ipinroklama bilang ika-17 na pangulo ng Pilipinas

165

Pormal nang naiproklama ng Kongreso na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kasabay niyang iprinoklama ang kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Nakakuha si Marcos ng 31,629,783 votes habang si Duterte-Carpio ay mayroong 32,208,417 votes.


Sinabi naman ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na ang katatapos lamang ng halalan ay ang pinakamabilis na canvassing ng mga boto sa kasaysayan ng eleksyon sa bansa na umabot lamang ng dalawang araw.

Na-canvass aniya ng Kongreso ang 98.84% ng mga boto o 171 mula sa 173 Certificates of Canvass (COCs).

Facebook Comments