BONUS | Asian Games Gold Medalist, makakakuha ng P2-M

25

Manila, Philippines – Makatatanggap pa ng dagdag na P2 milyong bonus ang mga 2018 Asian Games Gold Medalist mula sa Malacañang.

Kasama ito sa mga incentive na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga medal winner na binigyang pugay sa Malacañang.

Bukod pa ito sa P6 milyon matatanggap ng mga gold medalist na sina Asian Games Weightlifter Hidilyn Diaz, Skateboarder Margielyn Didal at mga golfer na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Lois Go.

Manggagaling ang P6 milyon na incentive kada ginto mula sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation at ni Philippine Ambassador to Indonesia Cesar Lee Hiong Wee.

Maging ang mga silver at bronze medalist ay makatatanggap ng dagdag na gantimpala mula sa PSC at OP.

Makakatanggap ng dagdag na P1 milyon na bonus ang mga silver medalist at P400,000 na incentive naman ang mga bronze medalist.

Para naman sa mga team sports, paghahatihatiin nila ang anumang dagdag na bonus.

Facebook Comments