Boracay at Nacpan beach, pasok sa Top 25 best beaches sa Asya – TripAdvisor

47

Pasok ang Boracay at Nacpan Beach sa El Nido, Palawan na Top 25 beaches sa Asya ng isang American online travel company.

Nasa ika-12 puwesto ang White Beach ng Boracay habang nasa ika-18 ang Nacpan beach sa Top 25 Beaches – Asia category ng TripAdvisor’s Travelers’ Choice 2021 awards.


Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, napili ang dalawang beach destination sa bansa batay sa dami ng users ng online travel application na nag-save nito sa kanilang accounts, gayundin ang quality at quantity ng reviews.

Maliban dito, pasok din sa top three spots ng TripAdvisor list sa Asya ang Agonda at Cavelossim beaches ng India at ang Ngapali Beach ng Myanmar.

Facebook Comments