Boracay, itinanghal na best island sa Asya

196

Itinanghal ang isla ng Boracay bilang best islands in Asia.

Ito ang lumabas sa listahan ng Conde Nast Traveler’s 2019.


Halos dinomina ng Pilipinas ang top 5 ng listahan kung saan nasa ikalawang pwesto ang Cebu habang pang-apat naman ang Palawan.

Nasa ikatlong pwesto ang penang, Malaysia habang panglima ang Bali, Indonesia.

Ang best islands in Asia ay bahagi ng mahabang listahan ng best islands in the world ng kilalang magazine.

Maliban dito, pasok din ang ilang hotel sa Pilipinas sa listahan ng 50 Best Hotels in the World.

Kabilang dito ang Conrad Manila na nasa ika-45 pwesto habang nasa pang-46 ang EDSA Shangri-La.

Facebook Comments

From Advertisers