BORACAY REHABILITATION | Travel agencies at tour guides sa Boracay, pupulungin ngayong araw ng DILG

25

Manila, Philippines – Pupulungin ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga grupo ng mga travel agencies at tour guide sa isla ng Boracay.

Ayon sa DILG, layon ng pulong na ipaalam sa grupo ng Boracay island travel agencies and tour guide association ang lahat ng magiging hakbang ng gobyerno sa rehabilitasyon ng isla.

Kasama rin sa pulong ang Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Una nang iginiit ng grupo na hindi sila kinonsulta ng direkta ng DILG noong binubuo ang guidelines para sa rehabilitayson ng isla.

Facebook Comments