BORACAY TEMPORARY CLOSURE | DOLE Secretary Silvestre Bello III, nagbabala sa mga employer at establisyimento sa Boracay na nagsasagawa ng lay-off

Manila, Philippines – Nagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga establisyimento at employer sa Boracay laban sa pagsisibak ng kanilang mga empleyado sa gitna ng anim na buwang pagpapasara sa isla.

Giit ni Bello na hindi dapat sibakin sa trabaho ang mga empleyado kapag tumigil na ang operasyon ng mga negosyo sa isla.

Una nang sinabi ni Bello na magpapaabot ng tulong pampinansiyal ang kanilang ahensiya para sa mga manggagawang apektado ng Boracay closure, na magsisimula sa Abril 26.


Facebook Comments