Border ng Canada at Alaska, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol

52

Alaska – Niyanig ng 6.2 magnitude na lindol ang remote border sa pagitan ng Canada at Southeastern Alaska.

Ayon sa US Geological Survey, naramdaman ang epicenter ng lindol sa layong 83 kilometers (52 miles) northwest ng Skagway, Alaska.

Agad itong nasundan ng mga aftershocks na may lakas na magnitude 5.2 na pagyanig.

Wala namang naireport na nasugatan o namatay sa insidente.

DZXL558

Facebook Comments