Bossing Vic Sotto, kumasa na rin sa Tiktok Dance Challenge

61

Kumasa na rin sa Tiktok Dance Challenge si Bossing Vic Sotto kasama ang asawa nitong si Pauleen Luna at ang cute nilang baby girl na si Talitha o Tali.

Kinagiliwan ngayon ng netizens ang Instagram video na bigay todong pagsayaw ni Bossing na umabot na sa higit 200 thousand likes at 3,500 comments.


Ikinagulat din ni Pauleen ang pagsali ni Vic dahil laro lang daw nilang dalawa ni Tali ang pagti-Tiktok kaya’t natuwa ito nang makisayaw ang kanyang asawa.

Malaki naman ang pasasalamat ng mag-asawa dahil dumating sa buhay nila ang bibong si baby Tali.

Facebook Comments