Boston Celtics coach Brad Stevens – dismayado sa talo kontra Cavaliers

NBA – Dismayado si Boston Celtics Coach Brad Stevens matapos na matalo ang kanyang koponan sa game 4 ng Eastern Conference Finals kanina.

Sabi ni Stevens, bigo ang kanyang mga manlalarong depensahan nang maayos si Kyrie Irving na siya namang nanguna sa panalo ng Cleveland Cavaliers.

Dahil dito, tiniyak ng coach na matinding opensa ang ipamamalas nila sa game 5 para pigilan ang napipintong pamamayagpag ng Cavs sa NBA playoffs.


Isang panalo na lang kasi ang kailangan ng Cavs para tuluyang maibulsa ang serye.

Muling maghaharap sa do-or-die game ang dalawang koponan sa Biyernes, May 26 sa homecourt ng Celtics.
DZXL558

Facebook Comments