Boston Celtics hindi pa rin natitibag, ika-labing tatlong panalo naitala kontra Brooklyn Nets

25

Sports – Patuloy pa rin ang pagratsada ng Boston Celtics!

Pinataob ng Celtics ang Brooklyn Nets, 109-102 para umangat sa 13-2 win loss slate.

Kahit na naka maskara para protektahan ang kaniyang mukha dahil sa tinamo nitong injury, hindi nagpapigil si Kyrie Irving na umiskor ng 25 points at magtala ng limang assists para pangunahan ang Boston saka kaniyang pagbabalik sa hardcourt.

Umiskor naman si Joe Harris ng 19 points para Brooklyn na lumagapak sa 5-9 win loss record.

Facebook Comments